Inang Kalikasan


Inang Kalikasan
ni: Jane Alzola



O, Inang Kalikasan

Kay ganda mong pagmasdan,

Kay gaan sa pakiramdam,

Kaya kailangang alagaan.


Mga ibong lumilipad, 

Mga halamang sumasayaw.

Mga bulaklak na kay rikit,

Malayang sumasabay sa hampas ng hangin.


Minsan masaya, misan galit, 

minsan payapa, minsan hindi.

Pero kahit ano pa man,

Ikaw ay tunay na natatangi.


Maliwanag at madilim, malawak at makipot

Mga katangiang hindi mabilang,

Sana ay hindi maglaho.

O, Inang Kalikasan, sana ay ikaw ay magtagal.


Comments